𝗗𝗮𝘆 𝟮 – 𝗠𝗮𝗻𝗴𝘆𝗮𝗻 𝗦𝘂𝗺𝗺𝗶𝘁 𝟮𝟬𝟮𝟱

October 28, 2025 | News by PISD

Nagpatuloy ngayong ikalawang araw ng Mangyan Summit 2025 ang pagbabahagi ng iba’t- ibang programa at serbisyong hatid ng Pamahalaang Panlalawigan ng Oriental Mindoro, katuwang ang iba’t-ibang ahensya ng pamahalaan at Non-Government Organizations (NGOs).

Sa pamamagitan ng summit, naipaparating sa mga kalahok na lider at miyembro ng komunidad ng mga IP ang mga oportunidad sa edukasyon, kalusugan, kabuhayan, at pangangalaga sa kalikasan, na nakatuon sa paggalang at pagpapanatili ng kanilang kulturang katutubo.

Patuloy ring nananawagan ang mga kinatawan mula sa pamahalaan at NGOs para sa mas malalim na koordinasyon at pakikilahok ng mga katutubo sa mga programang makatutulong sa kanilang pangmatagalang kaunlaran.

#thecapitolnews

Source: https://www.facebook.com/orminpio/posts/pfbid02bk33gaWtyiJskPrs9qJP4geh8E6R26a9RbY2XiWrEDLi6s6h6zGU5rSYM5zzceL4l?rdid=dF7NVgYOWqNA9tx4#

Scroll to Top