October 27, 2025 | News by PISD

Pormal nang binuksan ang Mangyan Summit 2025 na may temang βAting Pandayin ang Kinabukasan, Gabay ang Katutubong Karunungan at Karapatan”.
Ang tatlong-araw na pagtitipon ay naglalayong higit na palakasin ang ugnayan, kabuhayan, at kultura ng mga katutubong Mangyan sa buong lalawigan ng Oriental Mindoro, magpatuloy ang kolaborasyon ng mga ahensyang tutulong sa kanila sa pamamagitan ng Mangyan Intervention Plan at makasabay ang sektor na ito sa pag-unlad sa gitna ng pag-angat ng teknolohiya at makabagong panahon, nang hindi nasasakripisyo o naipagwawalang-bahala ang kanilang naatatanging kultura, pagkakakilanlan at sariling kakanyahan.
Taun-taon itong itinataguyod ng Pamahalaang Panlalawigan sa pamamagitan ng Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO) katuwang ang National Commission on Indigenous Peoples (NCIP), iba’t ibang konsernadong ahensya ng pamahalaan at non-government organizations (NGOs) na sumusuporta sa naturang sektor.
Dumalo sa pagbubukas ang mga kinatawan mula sa pitong tribu ng Mangyan – Alangan, Bangon, Tau-buhid, Buhid, Hanunuo, Iraya, at Tadyawan.
Abangan ang kabuuan ng balita sa TCN TV/Radio.
