October 25, 2025 | News by PISD

Dumalo ang PG-ENRO sa Stakeholdersโ Community Consultation Meeting for the Declaration of Mt. Gimparay as Local Conservation Area (LCA) na ginanap sa Brgy. Hall ng San Andres, Naujan, Oriental Mindoro nitong ika-25 ng Oktubre, 2025.
Ito ay dinaluhan din ng mga kinatawan mula sa CENRO-San Jose, Occidental Mindoro, Tamaraw Conservation Program Office, DENR-PENRO, Mindoro Biodiversity Corridor Program Office, Mindoro Biodiversity Conservation Foundation, Inc. (MBCFI), National Commission on Indigenous Peoples Provincial Office (OrMin), Sangguniang Bayan ng LGU-Naujan, at mga opisyales at IPs ng nasabing barangay.
Layunin ng pagpupulong na maunawaan ang kahalagahan ng pagtatatalaga ng LCA o “lokal na lugar ng konserbasyon” at makuha ang suporta ng katutubong pamayanan sa Mt. Gimparay, Brgy. San Andres.
Suportado ni Governor Bonz Dolor ang hakbang na ito sa pangunguna ng DENR CENRO Socorro katuwang ang Pamahalaang Panlalawigan ng Oriental Mindoro. Napatunayan na sa mga pagsasaliksik na ang Mt. Gimparay ay tahanan ng mga tamaraw at kailangan ng proteksyon at pangangalaga ng bundok na ito na maituturing na isang biodiversity corridor (Additional write-up: Lily May E. Lim)
