October 25, 2025 | News by PISD

Patuloy ang pamamahagi ng Housing Assistance sa iba’t ibang bayan sa lalawigan ngayong araw.
Pinamalayan, Oriental Mindoro
1,365 ang bilang ng pamilyang nasiraan ng bahay matapos manalasa ang Bagyong Opong kamakailan sa bayan ng Pinamalayan. Sa pangunguna ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) katuwang ang Pamahalaang Panlalawigan at Lokal na Pamahalaan ay nagpapaabot na tayo ng tulong upang muli silang makapagsimula at makabili ng materyales para sa kanilang tahanan.
