𝗣𝗮𝗺𝗮𝗵𝗮𝗹𝗮𝗮𝗻𝗴 𝗣𝗮𝗻𝗹𝗮𝗹𝗮𝘄𝗶𝗴𝗮𝗻, 𝘀𝘂𝗽𝗼𝗿𝘁𝗮𝗱𝗼 𝗮𝗻𝗴 𝗵𝗮𝗻𝗴𝗮𝗿𝗶𝗻 𝗻𝗶 𝗣𝗮𝗻𝗴𝘂𝗹𝗼𝗻𝗴 𝗠𝗮𝗿𝗰𝗼𝘀 𝗻𝗮 𝗺𝗮𝗽𝗮𝗯𝗶𝗹𝗶𝘀 𝗮𝗻𝗴 𝗸𝗼𝗻𝘀𝘁𝗿𝘂𝗸𝘀𝘆𝗼𝗻 𝗻𝗴 𝗺𝗴𝗮 𝘀𝗶𝗹𝗶𝗱-𝗮𝗿𝗮𝗹𝗮𝗻 𝘀𝗮 𝗯𝗮𝗻𝘀𝗮

October 24, 2025 | News by PISD

Isa sa malaking kinakaharap na suliranin ng sektor ng edukasyon, hindi lamang dito sa lalawigan ng Oriental Mindoro kundi maging sa buong bansa, ay ang kakulangan ng sapat at maayos na silid-aralan. Dahil dito, napipilitan ang mga guro na gumawa ng paraan para mapagkasya ang maraming bilang ng mga mag-aaral sa masikip na silid lalo pa at patuloy ang pagdami ng enrollees taun-taon.

Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, bilang tugon sa problemang ito, magkakaroon ng Memorandum of Agreement ang Department of Public Works and Highways (DPWH), Department of Education (DepEd) at Local Government Units (LGUs). Layunin ng kasunduang ito na higit na mapabilis at maging mas episyente ang konstruksyon ng mga bagong silid-aralan sa buong bansa.

Sa ilalim ng kasunduan, ang pondong pampagawa ng mga silid-aralan ay direkta nang ibibigay sa lokal na pamahalaan para sila na ang magpatayo ng mga gusali habang ang DPWH at DepEd naman ang mangangasiwa sa pagmo-monitor ng progreso ng implementasyon nito.

Dahil dito, nagpapahayag ng buong suporta ang Pamahalaang Panlalawigan sa programa ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. bilang pakikiisa sa hangaring mapagsumikapang mapabilis ang konstruksyon ng mas kumbinyente at maayos na silid-aralan para sa mga mag-aaral.

Photo credits: fb of President Bongbong Marcos

#TheCapitolNews

Source: https://www.facebook.com/orminpio/posts/pfbid0g1HWLSAFKR5CSr4pS1hsi3183feTV7vu9yasRnUtC1Hf2nxFVyeHugZXCGHH7xt2l?rdid=E5PlrikQKhV61S2R#

Scroll to Top