October 24, 2025 | News by PISD

Sinalubong ng mga pari, religious groups, mananampalataya at maging ng pinakamataas na lider ng lalawigan ng Oriental Mindoro, Gobernador Humerlito “Bonz” A. Dolor ang pagdating ng mga labi ni Bishop Warlito I. Cajandig D.D. ngayong ika-24 ng Oktubre sa Dangay Port sa bayan ng Roxas.
Matapos ang maramdaming pagsalubong, inihatid ang labi ng Obispo sa Sto. Niรฑo Parish Church na kung saan isinagawa ang taimtim na misa ng pasasalamat at pagkilala sa kanyang buhay na naging instrumento ng patuloy na paglago sa ispiritwal na aspeto ng buhay ng mga Mindoreรฑo sa pamamagitan ng masigasig niyang paglilingkod sa simbahan.
Mananatili ang kanyang mga labi sa Sto. Niรฑo Parish Church hanggang bukas ng umaga. Dito, maaaring pumunta ang mga nais masilayan ang kanyang labi upang mabigyan sila ng pagkakataon na makapag-alay ng panalangin at makapagbigay-pugay bago ito dalahin sa Pinamalayan at sa iba bang Simbahan sa lalawigan.
Si Bishop Cajandig ng Apostoliko Bikaryato ng Lungsod ng Calapan ay hindi lamang naging isang mahusay na pinuno ng simbahan, kundi naging isa ring tinig ng Diyos na nagbigay ng gabay at pag-asa sa lahat sa gitna ng anumang pagsubok sa buhay. Mananatili siyang buhay sa isip at sa puso ng bawat mananampalatayang Mindoreรฑo.
Abangan ang mga opisyal na larawan.
