๐— ๐—ฎ๐—ต๐—ถ๐—ด๐—ถ๐˜ ๐—ฃ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐—  ๐—›๐—ผ๐˜‚๐˜€๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—”๐˜€๐˜€๐—ถ๐˜€๐˜๐—ฎ๐—ป๐—ฐ๐—ฒ, ๐—œ๐—ฝ๐—ถ๐—ป๐—ฎ๐—บ๐—ฎ๐—ต๐—ฎ๐—ด๐—ถ ๐—ป๐—ด ๐——๐—ฆ๐—ช๐—— ๐˜€๐—ฎ ๐—œ๐—ธ๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐˜„๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐——๐—ถ๐˜€๐˜๐—ฟ๐—ถ๐˜๐—ผ

October 24, 2025 | News by PISD

Bilang tugon sa matinding pinsalang dulot ng Bagyong Opong, matagumpay na naipamahagi ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang mahigit โ‚ฑ20 milyong halaga ng housing assistance sa mga pamilyang naapektuhan sa Ikalawang Distrito ng Oriental Mindoro.

Sa pamamagitan ng agarang koordinasyon ni Gobernador Humerlito โ€œBonzโ€ Dolor sa Pamahalaang Nasyunal, partikular sa DSWD, naiparating ang nasabing ayuda sa mga bayan ng Bongabong, Roxas, at Mansalay.

Sa bayan ng Mansalay, umabot sa 1,043 pamilya ang nakinabang sa programa, kung saan 104 ang naitalang totally damaged na kabahayan at 939 naman ang partially damaged.

Sa Roxas, 991 pamilya ang tumanggap ng tulong, kabilang ang 133 totally damaged at 858 partially damaged na bahay.

Samantalang sa Bongabong, 1,587 pamilya ang naapektuhan, na may 156 totally damaged at 1,431 partially damaged na kabahayan.

Ang Pamahalaang Panlalawigan ay patuloy na nakikipag-ugnayan sa mga ahensya ng gobyerno upang matiyak ang mabilis at epektibong pag-abot ng tulong sa mga mamamayang nangangailangan.

Ang hakbang na ito ay bahagi ng mas pinalakas na programa ng probinsya para sa disaster rehabilitation at recovery, na layuning maibalik sa normal ang pamumuhay ng bawat Mindoreรฑong naapektuhan ng nagdaang kalamidad.

#TheCapitolNews

Source: https://www.facebook.com/orminpio/posts/pfbid02bESQddCufkqsuEVGjh2h6AxdL4bQoJa9jfVWRRPXcYYgTTwvMt9VLgAA5VrsB6sYl?rdid=LScbDVdgZFK1onmY#

Scroll to Top