𝐎𝐫𝐚𝐥 𝐇𝐞𝐚𝐥𝐭𝐡 𝐏𝐫𝐨𝐠𝐫𝐚𝐦 𝐩𝐚𝐫𝐚 𝐬𝐚 𝐍𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧𝐚𝐥 𝐂𝐨𝐫𝐫𝐞𝐜𝐭𝐢𝐨𝐧𝐚𝐥 𝐂𝐨𝐧𝐬𝐜𝐢𝐨𝐮𝐬𝐧𝐞𝐬𝐬 𝐖𝐞𝐞𝐤, isinagawa

October 24, 2025 | News by PISD

Bilang bahagi ng pagdiriwang ng 𝐍𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧𝐚𝐥 𝐂𝐨𝐫𝐫𝐞𝐜𝐭𝐢𝐨𝐧𝐚𝐥 𝐂𝐨𝐧𝐬𝐜𝐢𝐨𝐮𝐬𝐧𝐞𝐬𝐬 𝐖𝐞𝐞𝐤 (𝐍𝐀𝐂𝐎𝐂𝐎𝐖), matagumpay na naisagawa ang Oral Health Program sa San Teodoro District Jail noong Oktubre 23, 2025 at sa Naujan District Jail noong Oktubre 24, 2025, sa pakikipagtulungan ng Provincial Health Office (PHO) at ng mga nasabing district jail. Layunin ng programa na mapalaganap ang kahalagahan ng tamang pangangalaga sa ngipin at kalusugan ng bibig para sa mga Persons Deprived of Liberty (PDLs).

Serbisyong ibinahagi:

– Oral examination / case finding

– Lecture on oral health

– Extraction ng mga ngiping hindi na maililigtas

Isang ngiting puno ng pag-asa at kalusugan dahil bawat ngiti ay may kwento ng pagbabago.

Source: https://www.facebook.com/orminpio/posts/pfbid0TUPG8RCjT8m6FBcmAqwFnpF4a5bUHqAkdSNG9L4yGzEhbHDonCKzN2YzoRTJh21bl?rdid=i1o0CCb36cF0F0ye#

Scroll to Top