Patuloy ang pamamahagi ng Housing Assistance sa iba’t ibang bayan sa lalawigan ngayong araw.

October 23, 2025 | News by PISD

582 ang bilang ng pamilyang nasiraan ng bahay matapos manalasa ang Bagyong Opong kamakailan. Upang makabangon muli at makabili ng mga materyales, agad tayong humiling sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) ng tulong na ngayon ay ipinaaabot na natin sa mamamayan.

Maraming salamat sa mga kawani ng Provincial Social Welfare and Development (PSWDO) at Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa pangunguna ni Secretary Rex Gatchalian.

Source: https://www.facebook.com/orminpio/posts/pfbid02JBYEAHtA5r2z5rCJSeFVkBbEAYJyLLXycLvDsqJoFvCyVbifXBapAPC1TrtzHLtcl?rdid=OA6jgilmgfajSca5#

Scroll to Top