October 23, 2025 | News by PISD

Mga serbisyong pang-empleyo handog ng Pamahalaang Panlalawigan ng Oriental Mindoro!
Kasalukuyang nagaganap ngayon ang magkasabay na Founding Anniversary Job Fair at Professional Regulation Commission (PRC) Mobile Services sa Capitol in the South, Paclasan, Roxas, Oriental Mindoro.
Bagama’t ang tanging makaka-avail ng serbisyo ng PRC ay yung mga nag-register online bago ang nagaganap na mobile services, nananatiling bukas sa publiko ang Job Fair kung saan ay binibigyan ng oportunidad ang mga Mindoreno lalong-lalo na ang nasa ikalawang Distrito na magkaroon ng trabaho sa loob at labas ng bansa.
