October 23, 2025 | News by PISD

Kasalukuyang isinasagawa ngayong araw ang Electronic Logistic Management Information System (eLMIS) Rollout Training, na layuning mapalakas ang kakayahan ng mga health personnel sa digital management ng mga medical supplies, vaccines, at iba pang essential health commodities sa lalawigan.
Dinaluhan ito ng mga kinatawan mula sa ibaโt ibang Municipal Health Offices (MHO) sa Oriental Mindoro, bilang bahagi ng patuloy na inisyatiba ng Provincial Health Office (PHO) katuwang ang Department of Health.
Ang mga tagapagsalita sa aktibidad ay mula sa DOH Central Office at PDOHO Oriental Mindoro, na nagbabahagi ng kanilang kaalaman at karanasan upang matiyak ang epektibong pagpapatupad ng sistemang eLMIS sa lalawigan.
Sa pamamagitan ng eLMIS, mas magiging mabilis, maayos, at transparent ang daloy ng impormasyon at pamamahala ng health logistics sa bawat bayan โ isang hakbang tungo sa mas epektibo, moderno, at matatag na serbisyong pangkalusugan para sa mga Mindoreรฑo.
