DOH at PGOM, magkatuwang sa pagpapaunlad ng serbisyong medikal sa lalawigan

October 23, 2025 | News by PISD

Isinagawa ngayong araw ang mahalagang pagpupulong sa pagitan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Oriental Mindoro (PGOM) at Department of Health (DOH) MIMAROPA upang talakayin ang pagpapalawak at pagpapaunlad ng serbisyong pangkalusugan sa lalawigan at rehiyon.

Pinangunahan nina Gobernador Humerlito โ€œBonzโ€ A. Dolor at DOH Regional Director Rodolfo Antonio M. Albornoz ang pagpupulong na nakatuon sa pagpapabuti ng mga ospital at iba pang pasilidad sa lalawigan.

Kabilang sa mga pinag-usapan ang pagtatayo ng Regional Hospital at Super Health Centers na planong pondohan ng PGOM at Pamahalaang Nasyunal upang magbigay ng mas komprehensibo at accessible na serbisyong medikal sa mga Mindoreรฑo, gayundin sa mga kalapit probinsya sa rehiyon.

Ayon kay Gobernador Dolor, mahalaga ang pagtutulungan ng PGOM at DOH-MIMAROPA bilang patunay ng matibay na koordinasyon ng lokal at nasyunal na pamahalaan tungo sa de-kalidad at abot-kayang serbisyong pangkalusugan para sa mamamayan.

Kabilang naman sa mga dumalo sa pagpupulong sina First Lady Hiyas Govinda-Dolor, Chief of Staff Nette Dalupan, Board Member Jomarc Philip Dimapilis, Chairperson ng Committee on Health, Sanitation and Population, Provincial Engr. Edylou Tejido, Provincial Health Officer at OIC-OMPH Dr. Angela Ante, Provincial DOH, at iba pang konsernadong ahensya.

#thecapitolnews

Source:https://www.facebook.com/orminpio/posts/pfbid0JUuSvyRay96T1KUMAxHwJGt4CbWRHBKUe8KDcktRhyZhmvWM2Yp92XdGyiZZmDzol?rdid=tYON86YBrNAn5F0a#

Scroll to Top