October 23, 2025 | News by PISD

Bilang bahagi ng pagdiriwang ng Fiesta MahalTaNa: Ika-75 Anibersaryo ng Oriental Mindoro, inilunsad ang bagong Fine Arts Room at skeletal remains ng babaeng Tamarraw sa Oriental Mindoro Heritage Museum.
Pinangunahan ni Gobernador Humerlito โBonzโ A. Dolor ang programa, katuwang ang Provincial Tourism Office sa pamumuno ni Dr. Dhon Stepherson Calda, bilang hakbang upang higit pang paunlarin ang turismo, kultura, at sining sa lalawigan.
Kasama sina Bise Gobernador Atty. Jojo Perez at ang kanilang maybahay, isinagawa ang pagbabasbas, panalangin, at ribbon-cutting ceremony na pinangunahan ni Rev. Fr. Mark Jay Bambao, isa sa mga local artists na tampok sa exhibit sa nasabing silid.
Magtatampok ang Fine Arts room ng mga obra ng mga lokal na alagad ng sining at labi ng Tamarraw, na sumisimbolo sa pagpapahalaga sa natatanging hayop na ito na tanging sa Mindoro lamang matatagpuan.
Kabilang naman sa dumalo ang mga kawani ng Pamahalaang Panlalawigan, kasama ang mga Bokal mula sa Sangguniang Panlalawigan, mga local artists sa lalawigan, Department of Environment and Natural Resources (DENR), mga mag-aaral ng Fine Arts mula sa Divine Word College of Calapan, at iba pang konsernadong ahensya.
