๐Ÿฑ ๐—ฃ๐—š๐—ข๐—  ๐—˜๐—บ๐—ฝ๐—น๐—ผ๐˜†๐—ฒ๐—ฒ๐˜€, ๐—ป๐—ฎ๐—ป๐˜‚๐—บ๐—ฝ๐—ฎ ๐˜€๐—ฎ ๐—ธ๐—ฎ๐—ป๐—ถ๐—น๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฏ๐—ฎ๐—ด๐—ผ๐—ป๐—ด ๐—ธ๐—ฎ๐˜๐˜‚๐—ป๐—ด๐—ธ๐˜‚๐—น๐—ฎ๐—ป

October 23, 2025 | News by PISD

Sa harap ni Gobernador Humerlito โ€œBonzโ€ A. Dolor, pormal na isinagawa ngayong araw ang seremonya ng panunumpa ng mga bagong permanente at promoted na mga kawani ng Pamahalaang Panlalawigan ng Oriental Mindoro (PGOM), na ginanap sa Ballroom Hall ng Oriental Mindoro Heritage Museum, Brgy. Ibaba East, Lungsod ng Calapan.

Pinangunahan ng Provincial Human Resource Management Office (PHRMO) sa pamumuno ni PHRM Officer Anna Marie DC Reyes ang panunumpa ng limang mga kawani na nakatakdang magbigay-serbisyo sa ibaโ€™t ibang tanggapan ng PGOM ayon sa mga bagong posisyon na itinalaga sa kanila.

Kabilang sa mga nanumpa sina Clark J. Mendoza na na-promote bilang Administrative Officer II ng Provincial Governorโ€™s Office (PGO) Procurement Division, Melanie Joy A. Nagutom na naitalaga bilang Administrative Officer II ng PGO-MSSD, Shein Anne G. Falsario at JanJan C. Rivera bilang Accountant 1, at Krizia L. Maac, Accountant II ng Office of the Provincial Accountant (OPA).

Sa kanilang panunumpa, inaasahan ang pagtupad nila sa kanilang mga tungkulin na hindi lamang isang pribilehiyo, kundi bahagi ng pangakong magbibigay ng tapat, de-kalidad, at makataong paglilingkod para sa mga mamamayan.

Sinasiksihan naman ang programa nina First Lady Hiyas Govinda Dolor, Chief of Staff Nette Dela Cruz-Dalupan, Board Member Atty. Jom Dimapilis, Provincial Health Officer II at OIC-OMPH Dr. Cielo Angela Ante, at mga kawani mula sa OPA sa pamumuno ni Provincial Accountant Althea Agutaya.

#thecapitolnews

Source: https://www.facebook.com/orminpio/posts/pfbid07agqsjGGdtoiYqpuE7R68XuuCLgra7DSBaAu1T6jLRQctNXa9hVuH8NiehBx9dzml?rdid=pTfhf3sXOIH2uUF2#

Scroll to Top