𝗕𝗮𝗴𝗼𝗻𝗴 𝗖𝗵𝗼𝗿𝗲𝗼𝗴𝗿𝗮𝗽𝗵𝗲𝗱 𝗟𝗶𝗴𝗵𝘁𝘀 𝗮𝗻𝗱 𝗗𝗮𝗻𝗰𝗶𝗻𝗴 𝗙𝗼𝘂𝗻𝘁𝗮𝗶𝗻 𝗠𝘂𝘀𝗶𝗰 𝘀𝗮 𝗣𝗹𝗮𝘇𝗮 𝗱𝗲𝗹 𝗚𝗼𝗯𝗲𝗿𝗻𝗮𝗱𝗼𝗿, 𝗜𝗻𝗶𝗹𝘂𝗻𝘀𝗮𝗱

October 23, 2025 | News by PISD

Opisyal nang inilunsad ang bagong choreographed lights and dancing fountain music sa Plaza del Gobernador ngayong gabi ng ika-23 ng Oktubre na tiyak na magdadagdag ng saya at liwanag tuwing gabi.

Sa pamamagitan ng malikhaing isip at dedikadong mga kawani ng Provincial Tourism Office, muling binigyang buhay ang Plaza del Gobernador sa pamamagitan ng modernong kombinasyon ng musika, tubig, at ilaw na sabay-sabay na sumasayaw sa bawat himig ng tugtugin, kabilang na ang opisyal na theme song ng Fiesta Mahal TaNa.

Ang Plaza del Gobernador ang isa sa mga dinarayong pasyalan sa Lungsod ng Calapan – hindi lamang ng mga lokal na residente dito kundi pati na rin ng mga turista mula sa iba’t ibang panig ng lalawigan.

Bukas sa publiko ang lights and dancing fountain show gabi-gabi mula 7:00 hanggang 7:30 ng gabi, kung saan maaaring masaksihan ng lahat ang kahali-halinang kumbinasyon ng ilaw, musika, at galaw ng tubig na magbibigay saya sa bawat bisita.

#TheCapitolNews

Source: https://www.facebook.com/orminpio/posts/pfbid023ju4vJLyAt6ANwsg38BxwHd2Rwfk5m5uMD9z5S4JbJLzLucQUwGheJnYaxRJAoWfl?rdid=5YlzWH1MAz8mOQiC#

Scroll to Top