October 23, 2025 | News by PISD

Ang Provincial Nutrition Committee ng Oriental Mindoro, sa pangunguna ni Governor Humerlito A. Dolor at Provincial Nutrition Action Officer Dr. Cielo Angela A. Ante, ay buong pusong nakikiisa sa 2025 Regional Nutrition Awarding Ceremony na ginaganap ngayong araw, Oktubre 23, 2025, sa Hive Hotel, Quezon City.
Ang nasabing gawad-parangal ay iniorganisa ng National Nutrition Council (NNC) MIMAROPA, sa pamumuno ni Regional Nutrition Program Coordinator (RNPC) Ms. Ma. Eileen B. Blanco. Sa aktibidad na ito, pinarangalan ang ilang natatanging indibidwal at mga lokal na pamahalaan mula sa Oriental Mindoro bilang pagkilala sa kanilang dedikasyon at mahusay na pagpapatupad ng mga programang pang-nutrisyon para sa bawat Mindoreรฑo.
* Dr. Leonor N. Daite ng Bayan ng Roxas โ 1st Runner-Up, Regional Outstanding Municipal Nutrition Action Officer
* Municipality of Roxas, sa pamumuno ni Hon. Jerwin Dimapilis โ Recipient of the Provincial Green Banner Seal of Compliance
* Barangay Mabini, Naujan, sa pangunguna ni Hon. Norberto De Castro at MNAO Ms. Bianca Estrella โ Finalist, Regional Outstanding Barangay Nutrition Committee
* BNS Fe Q. Calapit ng Brgy. Mabini, Naujan โ Provincial Outstanding Barangay Nutrition Scholar of Oriental Mindoro at Regional Outstanding BNS Finalist
Isang malaking karangalan para sa lalawigan ang mga natanggap na parangal na ito โ patunay ng patuloy na pagsisikap ng bawat lokal na lider at nutrition worker na isulong ang malusog, matatag, produktibo, at ligtas sa malnutrisyon na pamayanan sa Oriental Mindoro.
Lubos na pagbati rin sa lahat ng nagwagi! Nawaโy magsilbi itong inspirasyon upang ipagpatuloy ang mas pinagtibay na adbokasiya tungo sa pagkamit ng โNutrisyong Sapat Para sa Lahat!โ.
