October 22, 2025 | News by PISD

Taus-pusong pasasalamat ang ipinaaabot ng Pamahalaang Panlalawigan sa pangunguna ni Gobernador Humerlito โBonzโ A. Dolor sa Department of Social Welfare and Development Office (DSWD) na pinamumunuan ni Secretary Rex Gachalian sa mabilis na pagtugon sa kahilingan ng Pamahalaang Panlalawigan upang agarang mabigyan ng tulong ang mga Mindoreรฑong nasalanta ng bagyong Opong.
Sa pakikipagtulungan nina DSWD Usec. Diane Cajipe at Regional Director Leo Reynoso, ipinagkaloob na ni DSWD Secretary Gachalian sa Pamahalaang Panlalawigan ang tulong pinansyal sa pamamagitan ng Emergency Cash Transfer (ECT) sa mga mamamayan ng lalawigan na nasira ang tahanan dahil sa pananalasa ng bagyong Opong kamakailan.
Dahil dito, nasa 11,997 na mga pamilyang nasira ang tahanan ang mabibigyan ng tulong na ito mula sa naturang ahensya.
Malaking tulong ito upang mapagaan ang pasanin ng mga pamilyang nawalan ng tirahan dahil sa pananalasa ng bagyong Opong. Makatutulong ito sa kanilang patuloy na pagbangon at pagsasaayos ng kanilang mga tahanan.
