October 21, 2025 | News by PISD

Katuwang ang Pamahalaang Bayan ng Roxas, magsasagawa ng Job Fair at PRC Mobile Services sa Capitol in the South sa Barangay Paclasan, Roxas sa ika-23-24 ng Oktubre.
Ang gawain ay pangungunahan ng Pamahalaang Panlalawigan sa pamamagitan ng Provincial Public Employment Service Office katuwang ang Department of Labor and Employment (DOLE).
Sa mga interesado, magdala lamang ng mga sumusunod:
Resume;
Transcript of Records;
Diploma;
Certificate of Trainings; at
Certificate of Employment (para sa mga may karanasan nang magtrabaho)
