October 21, 2025 | News by PISD

Pinangunahan ni Provincial Administrator Atty. Earl Ligorio R. Turano II ang flag raising ceremony sa Capitol in the South (CITS) sa Barangay Paclasan, Roxas ngayong Lunes, ika-20 ng Oktubre. Dinaluhan ito ng mga kawani sa ibaโt ibang tanggapan na nag-oopisina sa CITS, gayundin ng ilang kinatawan mula sa ibaโt ibang tanggapan ng Pamahalaang Nasyunal na nakabase rin sa lugar.
Bahagi ito ng pagtalima sa inilabas na Memorandum No. 199 Series of 2025 ng Provincial Administratorโs Office noong ika-23 ng Setyembre 2025. Ayon sa naturang Memorandum, ang lahat ng mga kawani ng Pamahalaang Panlalawigan na nakatalaga sa CITS ay kinakailangang dumalo sa flag raising ceremony tuwing Lunes, ganap na alas 8:00 ng umaga. Epektibo ito simula noong ika-6 ng Oktubre 2025.
Nakiisa rin sa gawain ang mga kawani ng Pamahalaang Nasyunal tulad ng Department of Social Welfare and Development Office (DSWD), Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) at Regional Trial Court (RTC).
Sa pamamagitan nito, pinapaalalahanan ang bawat empleyado sa kahalagahan ng pagsisimula ng isang linggong pagtatrabaho nang may pagmamahal sa tungkuling magbigay ng buong-pusong serbisyo sa mga mamamayang Mindoreรฑo.
Matatandaan na ang CITS ay isa sa mga pangunahing proyekto ni Gobernador Humerlito โBonzโ A. Dolor na itinayo upang mailapit ang mga programa, proyekto at serbisyo ng pamahalaan sa mga mamamayan, lalo na sa mga taga-Ikalawang Distrito. Sa pamamagitan nito, hindi na kailangan pang pumunta ng mga mamamayan sa Lungsod ng Calapan para sa anumang kailangang transaksyon sa Kapitolyo.
Patuloy naman ang araw-araw na operasyon at pagbibigay ng serbisyo ng ibaโt ibang tanggapan sa CITS sa mga mamamayang lumalapit at nangangailangan ng tulong.
Ayon kay PA Turano, kabilang sa regular na aktibidad dito ang pagsasagawa ng bidding activities ng Bids and Awards Committee (BAC) for Infrastructure ng Pamahalaang Panlalawigan.
Ang CITS ay tanda ng masigasig at kongkretong hangarin ng Pamahalaang Panlalawigan na mas mabilis na maihatid ang mga programa at serbisyong kinakailangan ng bawat Mindoreรฑo, saan mang bahagi ng lalawigan sila naroroon.
