October 21, 2025 | News by PISD

Sa pangunguna ni ๐๐๐ ๐ข๐จ๐ง๐๐ฅ ๐๐ข๐ซ๐๐๐ญ๐จ๐ซ ๐๐จ๐๐จ๐ฅ๐๐จ ๐๐ง๐ญ๐จ๐ง๐ข๐จ ๐. ๐๐ฅ๐๐จ๐ซ๐ง๐จ๐ณ ๐ง๐ ๐๐๐ฉ๐๐ซ๐ญ๐ฆ๐๐ง๐ญ ๐จ๐ ๐๐๐๐ฅ๐ญ๐ก โ ๐๐๐๐๐๐๐๐, ay ginanap ngayong Martes, Oktubre 21, 2025, ang opisyal na pagbisita sa Oriental Mindoro Central District Hospital (OMCDH) katuwang ang mga kinatawan mula sa ibaโt ibang ahensya gaya ng Provincial DOH Office (PDOHO), Regulations, Licensing, and Enforcement Division (RLED), at Health Facility Development Unit (HFDU).
Layunin ng pagbisitang ito na personal na masuri ang kalagayan ng ospital, mapag-usapan ang mga kakulangan, isyu, at pangangailangan ng institusyon, gayundin ang mga plano para sa patuloy na pagpapabuti ng serbisyong pangkalusugan.
Sa pangunguna ni ๐๐ซ. ๐๐๐ง๐ญ๐ ๐. ๐๐ฎ๐๐ฌ๐ญ๐ซ๐จ, ๐๐ก๐ข๐๐ ๐จ๐ ๐๐จ๐ฌ๐ฉ๐ข๐ญ๐๐ฅ ๐ง๐ ๐๐๐๐๐, iprinisinta sa Regional Director ang mga pangunahing isyung kinahaharap ng ospital at ang mga hakbang na isinasagawa upang lalo pang mapahusay ang kalidad ng serbisyo. Kasunod nito, nagkaroon din ng paglilibot sa ibaโt ibang pasilidad ng ospital upang masuri ang kasalukuyang kondisyon at matukoy ang mga kinakailangang suporta.
Sa pamamagitan ng patuloy na pakikipagtulungan ng Department of Health โ MIMAROPA at ng Pamahalaang Panlalawigan ng Oriental Mindoro (PGOM) sa ilalim ng pamumuno ni ๐๐จ๐ฏ๐๐ซ๐ง๐จ๐ซ ๐๐ฎ๐ฆ๐๐ซ๐ฅ๐ข๐ญ๐จ โ๐๐จ๐ง๐ณโ ๐๐จ๐ฅ๐จ๐ซ, ang pagdalaw na ito ay hindi lamang simpleng inspeksyon kundi isang mahalagang hakbang tungo sa mas maayos at dekalidad na serbisyong pangkalusugan para sa mga mamamayan ng Oriental Mindoro
Patuloy ang Oriental Mindoro Central District Hospital sa pakikipagtulungan sa Department of Health upang makamit ang layuning magkaroon ng isang ospital na tunay na maaasahan at nakatuon sa kalusugan ng bawat Mindoreรฑo.
