October 20, 2025 | News by PISD

Itinalaga ni Pangulong Ferdinand โBongbongโ Marcos Jr. si Gobernador Humerlito โBonzโ A. Dolor bilang Chairperson ng Regional Development Council – MIMAROPA sa loob ng tatlong (3) taon.
Ito ay patunay ng mataas na tiwala ng pangulo kay Gob. Dolor sa kanyang kakayahan, malasakit at lideratong nakatuon sa pag-unlad ng lalawigan at ng rehiyon.
Sa pamumuno ni Gob. Dolor, inaasahang mas mapapalakas ang koordinasyon at pagkakaisa ng mga lokal na pamahalaan sa bawat probinsya at lungsod sa rehiyon gayundin sa iba pang National Government Agencies tungo sa mas inklusibo, maunlad at matatag na Rehiyong MIMAROPA.
