October 19, 2025 | News by PISD

Isang makulay at masayang Bubble Fun Run ang matagumpay na isinagawa bilang bahagi ng selebrasyon ng βFiesta Mahal Tana: Ika-75 Anibersaryo ng Pagkakatatag ng Lalawigan ng Oriental Mindoro na ginanap sa Kapitolyo ngayong araw, Oktubre 19.
Sa ngalan ni Governor Bonz Dolor, pinangunahan ito ng Pamahalaang Panlalawigan na naglalayong isulong ang pagkakaisa, kalusugan, at pasasalamat sa mga tagumpay ng lalawigan sa nakalipas na 75 taon.
Tampok sa aktibidad ang mga iskolar ng Provincial Educational Assistance Program (PEAP) na pangunahing kalahok ng programa.
Nakiisa rin sa fun run sina Bise Gobernador Antonio S. Perez Jr., kasama ang mga kawani ng Kapitolyo, at iba pang mga indibiduwal na sumusuporta sa programa.
Abangan ang iba pang detalye ng balita sa The Capitol News TV.
