October 18, 2025 | News by PISD

Bilang bahagi ng pagdiriwang ng National Elderly Filipino Week na may tema ngayong taon na “Embracing age: Living a life with dignity and purpose”, nagkaloob ng libreng medical services ang Provincial Health Office (PHO)sa mga pangunahing mamamayan ng lalawigan, samantalang welness activities naman ang handog ng Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO) katuwang ang tanggapan ng Special Assistants for Senior Citizens Affairs ngayong ika-18 ng Oktubre sa Bulwagang Panlalawigan sa Kapitolyo.
Libreng Pneumonial Vaccine, blood chem at urine screening ang ipinagkaloob ng PHO sa mga senior citizen. Samantala, libreng masahe at gupit naman ang magkatuwang na ipinagkaloob ng PSWDO at Office of the Special assistant for senior citizens affairs.
Ang gawaing ito ay kasabay at bahagi ng isinasagawang awarding ng Ulirang Nakatatanda 2025.
Abangan ang mga opisyal na larawan.
