Fundamentals of Basketball Officiating

October 18, 2025 | News by PISD

Tatlong araw na “Fundamentals of Basketball Officiating” para sa mga Basketball at Sangguniang Pangkabataan (SK) Officials ang isinagawa ng Pamahalaang Panlalawigan sa Barangay Palayan, Pinamalayan.

Opisyal na nagsimula ang training na ito na dinaluhan ng halos 100 kalahok noong Biyernes, ika-17 ng Oktubre, at nakatakdang magtapos sa araw ng Linggo.

Sa pangunguna ng Governor’s Office-Special Concerns Division (GO-SCD) na pinamumunuan ni GO-SCD Chief Junielo Alcuran, isinusulong ng programa ang adhikain ni Gobernador Humerlito “Bonz” Dolor na higit pang palawakin ang kaalaman ng mga referees at iba pang officials sa larong basketball na isa ring uri ng alternabong kabuhayan.

Abangan ang buong detalye ng balita.

Source: https://www.facebook.com/orminpio/posts/pfbid02uqRvPdbDZpSkynsZFmmfm3pTNkKCJTa5MataUs1yYUJ8Apa7Y5GqXejnL48WxDPil?rdid=U4L8CpTpgiuddkzt#

Scroll to Top