𝗡𝗮𝘁𝗮𝘁𝗮𝗻𝗴𝗶𝗻𝗴 𝗽𝗮𝗻𝗴𝘂𝗻𝗮𝗵𝗶𝗻𝗴 𝗺𝗮𝗺𝗮𝗺𝗮𝘆𝗮𝗻 𝗻𝗴 𝗢𝗿𝗶𝗲𝗻𝘁𝗮𝗹 𝗠𝗶𝗻𝗱𝗼𝗿𝗼, 𝗞𝗶𝗻𝗶𝗹𝗮𝗹𝗮 𝘀𝗮 𝗨𝗹𝗶𝗿𝗮𝗻𝗴 𝗡𝗮𝗸𝗮𝘁𝗮𝘁𝗮𝗻𝗱𝗮 𝗔𝘄𝗮𝗿𝗱𝘀 𝟮𝟬𝟮𝟱

October 18, 2025 | News by PISD

inilala ng Pamahalaang Panlalawigan sa pamamagitan ng Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO) ang mga natatanging pangunahing mamamayan sa lalawigan ng Oriental Mindoro na nagpamalas ng malasakit at malaking ambag sa kanilang samahan at komunidad sa idinaos na Ulirang Nakatatanda 2025 ngayong ika-18 ng Oktubre.

Kasabay ng pagdiriwang ng National Elderly Filipino Week, taunang isinasagawa ng Pamahalaang Panlalawigan ang naturang programa upang kilalanin ang mga pangunahing mamamayan sa kanilang hindi matatawarang kontribusyon sa kanilang komunidad at aktibong partisipasyon sa mga gawaing may kinalaman sa pagpapaunlad ng lipunan sa kabila ng kanilang edad. Ito ay isinusulong ng PSWDO at Office of Special Assistant for Senior Citizens Affairs katuwang ang iba pang tanggapan at ahensya ng pamahalaan.

Abangan ang buong detalye ng balita sa The Capitol News TV.

Source: https://www.facebook.com/orminpio/posts/pfbid02w9Dr4HNorUjn6geecBaXTeiTTwGZgGGboZj71gJGQVmPHGPHEzBoWrp3htEGkhk5l?rdid=pXvanqnjmNh9L4kg#

Scroll to Top