PGOM, nagsagawa ng Dalaw-Turo sa higit 100 mag-aaral sa elementarya

October 17, 2025 | News by PISD

Kaugnay ng pagdiriwang ng Buwan ng Oktubre bilang โ€œSpecial Month for the Protection and Conservation of Tamarawsโ€, ang Pamahalaang Panlalawigan na pinamumunuan ni Gov. Humerlito Dolor, sa pamamagitan ng Environment and Natural Resources Office (ENRO,) ay nagsagawa ng Dalaw-Turo sa Lamac Elementary School sa Manaul, Mansalay at Burbuli Elementary School sa Burbuli, Baco nitong 14-15 ng Oktubre taong kasalukuyan, ayon sa pagkakasunud-sunod.

71 na mag-aaral mula sa Lamac ES at 45 mula sa Burbuli EMS ang mga napiling maging tagapakinig sa mga naging pagtalakay sa pangangalaga, proteksyon at konserbasyon ng mga Tamaraw at buhay-ilang sa isla ng Mindoro. Nagsilbing Resource Persons sina For. Ivy Tugas ng CENRO-Roxas at Engr. Joseph Marc Solis ng PG-ENRO sa Lamac ES habang sa Burbuli ES naman ay si For. Bea Natasha Fortu. Naging tagapagpadaloy naman ng programa si Ms. Altreen Cueto. Nagbigay naman ng kanilang mensahe sina Mr. Julius Solano, Teacher I, School Head ng Lamac EMS at Ms. Rosalie Gabayno, Teacher III ng Burbuli EMS.

Nagkaroon din ng tree planting activity sa labas ng Lamac EMS na nilahukan ng mga bumubuo ng Parent-Teacher Association (PTA) at outreach program kung saan namahagi ng mga tsinelas, tumblers, medical kits, badminton, basketball at mineral waters mula sa ilang sponsor at mga bag, notebook at payong galing sa CENRO-Socorro

Source: https://www.facebook.com/orminpio/posts/pfbid02mfgGevq5ygSiQ5ujSUhAhnsatUNcZxrmin3vC61NgrQoYzEc89mG7QwpnzAecC4fl?rdid=YiWqxqEs2NmbXCoD#

Scroll to Top