Aklat Para sa Lahat!

News by: PPESO

Mabuhay Mahal TaNa!!๐Ÿ’š๐Ÿ’š

Masayang nakinig ang mga mag-aaral ng Pawikan Elementary School, Calatas Extension, sa masayang pagkwekwento ng kanilang guro na si Ms. Mercy Rose N. Merida gamit ang aklat mula sa Book Nook Oriental Mindoro (BNOM).

Sa ginanap na BNOM mobile services noong 10 โ€“ 12 September 2025, apat na paaralan ng mga katutubong Mangyan sa Bulalacao ang nagkaroon ng storytelling sessions. Bukod sa Pawikan Elementary School, narating din ng grupo mula sa Provincial Public Employment Service Office (PPESO) ang Abintang Elementary School, Lower Yunot Elementary School at Tambangan Elementary school.

Ang BNOM ay isa sa mga programa ng PGOM na ipinatutupad sa pamamagitan ng Provincial PESO. 1,400 na aklat na sinulat ng mga Pilipinong authors ang ipinagkaloob ng National Book Development Board sa PGOM sa Oriental Mindoro. Bagamaโ€™t ang pangunahing kliyente ay ang mga guro at mag-aaral ng mga paaralang bahagi ng Programang Pang-edukasyon sa Kalibliban (PPsKa), ang BNOM na matatagpuan sa PPESO Office sa Capitol Complex, Camilmil, Calapan Cityay bukas para sa lahat.

Ang BNOM ay sumsalamin sa adhikain ni Gov. Humerlito โ€˜Bonzโ€™ Dolor na maabot ng serbisyo ng Pamahalaaang Panlalawigan ang lahat ng sulok ng ating lalawigan.

source: https://www.facebook.com/photo?fbid=1357016093093774&set=pcb.1357016296427087

Scroll to Top