October 17, 2025 | News by PISD

Isang simpleng seremonya ngunit taos- pusong pagpupugay ang iginawad ng Provincial Government of Oriental Mindoro (PGOM) sa personal na pangunguna ni Governor Bonz Dolor kay Nanay Catalina Aguilar, isang centenarian mula sa Barangay Bagong Bayan I Bongabong.
Sa edad na 100, si Nanay Catalina ay isa sa mga pinakamatandang residente ng kanilang bayan, isang huwarang simbolo ng katatagan, pananampalataya, at malasakit sa pamilya.
Hindi maitatangging malaki ang kanyang naging ambag sa komunidad bilang ina, lola, at kaagapay ng mga kapitbahay sa panahon ng pangangailangan noon.
Sa kanyang mga anak na saksi sa kanyang pamumuhay: βAng sikreto ng kanyang mahabang buhay ay simpleng pamumuhay at taimtim na dasal.β
Personal na ipinagkaloob ni Gov. Bonz ang Php100,000 bilang pagkilala at pasasalamat kay Lola Catalina at sa kanyang mga naging ambag sa lipunan.
