October 16, 2025 | News by PISD

Hinihikayat ng Provincial Disaster Risk Reduction and Manangement Council (PDRRMC) na pinamumunuan ni Gobernador Humerlito “Bonz” A. Dolor ang mga City/Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (C/MDRRMO) ng bawat bayan at lungsod sa lalawigan na magpasa na ng pinal na report ukol sa pinagsamang epekto ng habagat at bagyong Opong kamakailan.
Maaaring makapagsumite ng report ang mga ito hanggang sa ika-20 ng Oktubre 2025 bago mag-alas 12:00 ng tanghali.
Samantala, kung hindi makakapagpadala ng pinal na report, ikokonsidera ng konseho bilang pinal ang pinakahuling ulat na kanilang isinumute.
: Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office – Oriental Mindoro
