October 16, 2025 | News by PISD

Dahil sa sunod-sunod na naitatalang paggalaw ng lupa sa iba’t ibang bahagi ng bansa, naging maagap ang Pamahalaang Panlalawigan ng Oriental Mindoro sa pangunguna ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office na pinamumunuan ni PDRRM Officer Vinscent Gahol sa pagbibigay ng oryentasyon sa safety officers ng bawat tanggapan sa Kapitolyo ngayong ika-16 ng Oktubre.
Dito, ipinaunawa ang tungkulin na dapat gampanan ng bawat safety officers upang sa panahon ng sakuna ay handa at ganap silang makapagbigay ng kaukulang aksyon.
Layunin nitong mas palakasin ang kamalayan ng mga kawani ukol sa mga panganib sa lugar ng trabaho at kung paano ito kagyat na bibigyan ng angkop na aksyon para maiwasan ang matinding pinsalang maaaring idulot ng anumang sakuna tulad ng lindol.
Abangan ang buong detalye ng balita sa The Capitol News TV.
