๐— ๐—ถ๐—ป๐—ฑ๐—ผ๐—ฟ๐—ผ ๐—•๐—ถ๐—ผ๐—ฑ๐—ถ๐˜ƒ๐—ฒ๐—ฟ๐˜€๐—ถ๐˜๐˜† ๐—–๐—ผ๐—ฟ๐—ฟ๐—ถ๐—ฑ๐—ผ๐—ฟ ๐—ฆ๐˜‚๐—บ๐—บ๐—ถ๐˜ ๐—ด๐—ถ๐—ป๐—ฎ๐—ป๐—ฎ๐—ฝ ๐˜€๐—ฎ ๐—ข๐—ฟ๐—ถ๐—ฒ๐—ป๐˜๐—ฎ๐—น ๐— ๐—ถ๐—ป๐—ฑ๐—ผ๐—ฟ๐—ผ

October 16, 2025 | News by PISD

Ginanap ang Mindoro Biodiversity Corridor (MBC) Summit na may temang โ€œOne Island, One Corridor: Strengthening Partnerships for Mindoroโ€™s Biodiversity Conservationโ€ sa Calapan City Convention Center, Lungsod ng Calapan. Ito ay bahagi ng mga gawain sa pagdiriwang ng Tamaraw Month.

Nagpaabot ng pasasalamat si Gobernador Humerlito โ€œBonzโ€ A. Dolor sa pagdaraos ng MBC Summit sa lalawigan sa pamamagitan ni OICโ€“Provincial Governmentโ€“Environment and Natural Resources Officer (PG-ENRO) EnP. Lily May Lim. Ipinahayag ni Gob. Dolor ang buong suporta sa mga inisyatiba ng MBC upang mapangalagaan ang likas na yaman at natatanging biodiversity ng isla ng Mindoro.

Tampok sa summit ang paglagda sa Memorandum of Agreement (MOA) sa pagitan ng DENR at mga napiling partner Peopleโ€™s Organization (POs) para sa pagpapatupad ng proyektong Biodiversity-Friendly Enterprise (BDFE) na layuning paunlarin ang kabuhayan ng mga komunidad habang pinangangalagaan ang kalikasan.

Bahagi rin ng gawain ang paglulunsad ng BDFE Market Place, na nagtatampok ng mga produktong gawang-likha ng mga komunidad mula sa ibaโ€™t ibang bayan ng Mindoro. Inilunsad din ang aklat na โ€œLakbay Tamtamโ€, sa pakikipagtuwang ng Department of Education (DepEd) MIMAROPA bilang bahagi ng adbokasiya sa edukasyon at kamalayan sa pangangalaga at proteksyon ng Tamaraw.

Pinangunahan naman ng National Commission on Indigenous People (NCIP), katuwang ang DENR, ang paglulunsad ng LikhaLikasan Photo Expo na nagtatampok ng mga larawan ng mayamang biodiversity ng isla ng Mindoro.

Ang MBC ay bahagi ng Biodiversity Corridor Project, isang kooperasyon sa pagitan ng Philippine Government at United Nations Development Program (UNDP) na pinondohan ng Global Environment Facility (GEF). Ang (DENR) ang namamahala sa naturang proyekto. Nakiisa rin sa naturang gawain sina Indigenous People Mandatory Representative Board Member Lagtum Pasag, Bongabong Mayor Mike Malaluan, at iba pang mga kinatawan mula sa mga ahensya ng pamahalaan.

#thecapitolnews

Source: https://www.facebook.com/orminpio/posts/pfbid09Doo85SU3nKYFGTCshSbdbK3MD7HXW3DArMLtDXYCQT5fHQNtMcWdEFZN3nydG1Vl?rdid=m4EvH90LweqxlqFv#

Scroll to Top