October 16, 2025 | News by PISD

pisyal nang ipinakilala ang labinglima (15) na mga kandidata ng Miss Oriental Mindoro 2025 sa kanilang official presentation at sashing ceremony bilang bahagi ng pagdiriwang ng 75th Araw ng Oriental Mindoro ngayong darating na Nobyembre.
Ang bawat kalahok ay kumakatawan sa kani-kanilang bayan kabilang sina Alicia Mae Fabula (Puerto Galera), Chariz Sarmiento (San Teodoro), Nikki Fionna Bajado (Baco), Jayannah Samantha Dimaculangan (Calapan City), Merry Leveliet Ocampo (Naujan), Angelica Arwin Evora (Victoria), Kimberly Pornal (Socorro), Lisa Marie Jane Craven (Pola), Ma. Eliana Jeanne DequiΓ±a (Pinamalayan), Patricia Khate Logdat (Gloria), Mery Angel Leynes (Bansud), Kelly Rada Inovejas (Bongabong), Katherine Ignacio (Roxas), Kate Ashley Herrera (Mansalay) at Zestah Shalom Espinosa (Bulalacao).
Sa kanilang naggagandahang ngiti, kumpiyansa sa sarili at personal na adbokasiya, ipinapakita nila ang layuning magbigay-inspirasyon sa kapwa MindoreΓ±o.
Tunay ngang umaapaw ang sigla at suporta ng mga Oriental MindoreΓ±o sa pagsisimula ng paglalakbay na ito tungo sa korona.
Abangan ang pinakahihintay na Coronation Night ng Miss Oriental Mindoro 2025 ngayong darating na 13 Nobyembre sa Bulwagang Panlalawigan ng Oriental Mindoro.
Oriental Mindoro Oriental Mindoro Tourism
