๐Ÿฑ.๐Ÿฏ% ๐—ป๐—ฎ ๐—ฝ๐—ฎ๐—ด๐—น๐—ฎ๐—ด๐—ผ ๐˜€๐—ฎ ๐—ฒ๐—ธ๐—ผ๐—ป๐—ผ๐—บ๐—ถ๐˜†๐—ฎ ๐—ป๐—ด ๐—น๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐˜„๐—ถ๐—ด๐—ฎ๐—ป ๐—ป๐—ด ๐—ข๐—ฟ๐—ถ๐—ฒ๐—ป๐˜๐—ฎ๐—น ๐— ๐—ถ๐—ป๐—ฑ๐—ผ๐—ฟ๐—ผ, ๐—ก๐—ฎ๐—ถ๐˜๐—ฎ๐—น๐—ฎ

October 14, 2025 | News by PISD

Naitala ang 5.3% na paglago sa ekonomiya ng lalawigan ng Oriental Mindoro para sa taong 2024, mas mataas sa 5.0% na paglago sa nakaraang taong 2023. Ito ay ayon sa inilabas na Provincial Product Accounts ng Philippine Statistics Authority (PSA) ngayong ika-14 ng Oktubre.

Pumalo sa Php 120.97 Billion ang naitalang Gross Domestic Product (GDP) ng lalawigan sa nakaraang taong 2024.

Ang tatlong (3) nangungunang industriya na umambag sa pagtaas ng antas ng ekonomiya ng lalawigan ay ang construction (16.4%), transportation and storage (13.8%), at electricity, steam, water and waste management (11.8%).

Mula sa mga industriyang ito, ang pinakamataas na bahagdan ay mula sa mga serbisyong nagawa sa lalawigan na umabot sa 52.8%.

Sa patuloy na paglakas ng ekonomiya ng lalawigan, patunay ito ng epektibong pamumuno at ng sama-samang pagsisikap ng mga Mindoreรฑo tungo sa mas maunlad, matatag at progresibong Oriental Mindoro.

๐Ÿ–ผ: Philippine Statistics Authority

Source: https://www.facebook.com/orminpio/posts/pfbid024bNA7HZfeR8j4784ukEXyuy51mZecoTQ4yQn3epd9hw9LawQmDnUjVb4Aq8yyjpSl?rdid=WOzLJHFlbr8s06p1#

Scroll to Top