๐— ๐—œ๐— ๐—”๐—ฅ๐—ข๐—ฃ๐—” ๐—ฅ๐—ฒ๐—ด๐—ถ๐—ผ๐—ป๐—ฎ๐—น ๐—ง๐—ฟ๐—ฎ๐—ฑ๐—ฒ ๐—™๐—ฎ๐—ถ๐—ฟ ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฑ

October 14, 2025 | News by PISD

Sa temang “ARBOs ng MIMAROPA: Umaani ng Tagumpay, Tungo sa Maginhawang Buhay!”, tampok sa makulay na pagdiriwang na ito ang mga de-kalidad at natatanging produkto mula sa ating mga Agrarian Reform Beneficiaries Organizations (ARBOs) sa buong MIMAROPA Region. Pinangunahan ni DAR Regional Director Atty. Marvin V. Bernal at DAR Provincial Director Engr. Regelio Madarcos ang gawain.

Bilang bahagi ng pagbubukas ng programa, nagbigay ng mainit na mensahe ng pagtanggap si Governor Humerlito โ€œBonzโ€ A. Dolor sa pamamagitan ni Provincial Agriculturist Ms. Christine M. Pine, upang opisyal na i-welcome ang mga kalahok mula sa ibaโ€™t ibang rehiyon ng MIMAROPA.

Pinangungunahan ang aktibidad ng Department of Agrarian Reform MIMAROPA Region, katuwang ang Pamahalaang Panlalawigan ng Oriental Mindoro, Department of Agriculture (DA), Department of Trade and Industry (DTI), Mindoro State University (MinSU), Department of Social Welfare and Development (DSWD), Cooperative Development Authority (CDA), at DAโ€“MIMAROPA.

Ang kaunaunahang Regional Trade Fair ng DAR ay patunay ng dedikasyon sa pagpapaunlad ng kabuhayan ng mga benepisyaryo ng repormang pansakahan. Ang bawat produktong nakadisplay sa bawat booth ay isang testamento ng pagsusumikap at tagumpay ng bawat kalahok sa trade fair na ito, maging ito man po ay magandang produkto ng mga ARBOs o ARCs o maging ito man ay makabagong technolohiyang hatid ng pamahalaang lokal nasyunal at ng akademya na nagpapakita ng tunay na diwa ng pagkakaisa, husay at angking galing ng bawat MIMAROPAN na nagbibigay ng opportunidad sa pagangat ang kakayahan at mga magsasaka at negosyante ng rehiyon.

Ibinida ng Provincial Agriculturistโ€™s Office (PAgO) ang mga produktong prinoseso mula sa ibaโ€™t ibang pasilidad na matatagpuan sa Provincial Demo Farm, Victoria. Layunin nitong maipromote sa ating mga RBOs at lokal na magsasaka ang mga produktong nagmula sa kani-kanilang mga pangunahing pananim, patunay ng kahusayan at sipag ng mga Mindoreรฑo at ng MIMAROPAN.

Source: https://www.facebook.com/orminpio/posts/pfbid0gJKWsshawyKEk6YFUw5re3xv7bm1G5BbtHeAvbA4Rmo3CQMwcBkNDmC2NWpMSdQpl?rdid=b1RfSmwx7ipvA9BV#

Scroll to Top