AIP 2026: Oriental Mindoro Southern District Hospital

October 10, 2025 | News by PISD

Ito ang prinsipyo ng administrasyon ni Gob. Dolor – ang mga batayang pagpapahalaga ng kasalukuyang pamunuan ng Pamahalaang Panlalawigan sa pagkakaloob ng mga pangunahing serbisyong panlipunan sa mga MindoreƱo.

Sa pamamagitan ng paglalatag ng mga nilalaman ng 2026 Annual Investment Program ng bawat opisina ng Kapitolyo, makikita ang landas na nais tahakin ng administrasyong Dolor para sa susunod na taon. Malinaw. Tiyak. Para sa lalawigan at para sa mga mamamayan.

Binibigyang-diin na HINDI ITO BUDGET, kundi AIP ng bawat opisina – ang wish lists ng mga programang pangkaunlarang nais ipatupad ng Pamahalaang Panlalawigan sa darating na taon.

Magsilbi nawa itong malinaw na gabay para sa lahat.

_______________________________________________

Oriental Mindoro Southern District Hospital – OMSDH

Ang Oriental Mindoro Southern District Hospital (OMSDH) na nasa bayan ng Roxas ay may tungkulin na magbigay ng serbisyong medikal sa mga pasyente at tumugon sa mga pangangailangan sa kalusugan ng mga mamamayan sa bayang ito, at maging sa mga karatig munisipyo at lalawigan.

Batay sa kanilang 2026 AIP, inilalahad ng OMSDH ang mga prayoridad na gawain na patungkol sa pagpapabuti ng kalusugan at kapakanan ng bawat MindoreƱo sa katimugang bahagi ng Oriental Mindoro.

Source: https://www.facebook.com/orminpio/posts/pfbid0naChj7ALMrtwwXH2tjBBtASEtdJHWY7SrinFHxGcg9GGpRJu37pcVgNtmrCnzfH7l?rdid=x62CJNfoqIXBKhC7#

Scroll to Top