October 10, 2025 | News by PISD

Ito ang prinsipyo ng administrasyon ni Gob. Dolor – ang mga batayang pagpapahalaga ng kasalukuyang pamunuan ng Pamahalaang Panlalawigan sa pagkakaloob ng mga pangunahing serbisyong panlipunan sa mga MindoreƱo.
Sa pamamagitan ng paglalatag ng mga nilalaman ng 2026 Annual Investment Program ng bawat opisina ng Kapitolyo, makikita ang landas na nais tahakin ng administrasyong Dolor para sa susunod na taon. Malinaw. Tiyak. Para sa lalawigan at para sa mga mamamayan.
Binibigyang-diin na HINDI ITO BUDGET, kundi AIP ng bawat opisina – ang wish lists ng mga programang pangkaunlarang nais ipatupad ng Pamahalaang Panlalawigan sa darating na taon.
Magsilbi nawa itong malinaw na gabay para sa lahat.
_______________________________________________
Oriental Mindoro Central District Hospital
Ang Oriental Mindoro Central District Hospital (OMCDH) sa bayan ng Pinamalayan ay may mahalagang papel sa pagbibigay ng de-kalidad na serbisyong medikal sa ating mga kababayan at maging mga pasyente mula sa mga karatig lalawigan.
Base sa kanilang 2026 AIP, ang OMCDH ay may prayoridad na nakatuon sa pagpapabuti ng pagbibigay ng tapat at mabisang pangangalaga sa kalusugan para sa bawat MindoreƱo. Ito ay sa pamamagitan ng tuloy-tuloy na pagpapaunlad sa mga pasilidad at kagamitan nito kasama na ang pagsusumikap na maragdagan ang mga kwalipikadong medical personnel upang mas epektibong makatugon sa mga pangangailangan ng dumaraming bilang ng mga pasyente nito.
