October 9, 2025 | News by PISD

Ito ang prinsipyo ng administrasyon ni Gob. Dolor – ang mga batayang pagpapahalaga ng kasalukuyang pamunuan ng Pamahalaang Panlalawigan sa pagkakaloob ng mga pangunahing serbisyong panlipunan sa mga Mindoreño.
Sa pamamagitan ng paglalatag ng mga nilalaman ng 2026 Annual Investment Program ng bawat opisina ng Kapitolyo, makikita ang landas na nais tahakin ng administrasyong Dolor para sa susunod na taon. Malinaw. Tiyak. Para sa lalawigan at para sa mga mamamayan.
Magsilbi nawa itong malinaw na gabay para sa lahat.
Binibigyang-diin na HINDI ITO BUDGET, kundi AIP ng bawat opisina – ang wish lists ng mga programang pangkaunlarang nais ipatupad ng Pamahalaang Panlalawigan sa darating na taon.
________________________________
GOVERNOR’S OFFICE
Lapat sa Tao, Tapat sa Serbisyo.
Ito ang mananatiling tuon at sentro ng paglilingkod ng Governor’s Office (GO) sa mga darating na taon.
Inilalahad sa kanilang 2026 AIP ang mga prayoridad na gawain para sa susunod na taon – mga mahahalagang programa at protektong laan sa pagtugon sa mga pangangailangan ng mga mamamayan at para sa patuloy na pagsusulong ng kaunlaran ng lalawigan ng Oriental Mindoro.
