AIP 2026: Public Information Services Division

October 9, 2025 | News by PISD

Ito ang prinsipyo ng administrasyon ni Gob. Dolor – ang mga batayang pagpapahalaga ng kasalukuyang pamunuan ng Pamahalaang Panlalawigan sa pagkakaloob ng mga pangunahing serbisyong panlipunan sa mga Mindoreño.

Sa pamamagitan ng paglalatag ng mga nilalaman ng 2026 Annual Investment Program ng bawat opisina ng Kapitolyo, makikita ang landas na nais tahakin ng administrasyong Dolor para sa susunod na taon. Malinaw. Tiyak. Para sa lalawigan at para sa mga mamamayan.

Binibigyang-diin na HINDI ITO BUDGET, kundi AIP ng bawat opisina – ang wish lists ng mga programang pangkaunlarang nais ipatupad ng Pamahalaang Panlalawigan sa darating na taon.

Magsilbi nawa itong malinaw na gabay para sa lahat.

_______________________________________________

Governor’s Office – Public Information Services Division/

(Provincial Information Office – Oriental Mindoro)

Bilang pangunahing tagapagpalaganap at tagapaghatid ng komunikasyon at mahahalagang impormasyon ukol Pamahalaang Panlalawigan ng Oriental Mindoro, ang Public Information Services Division sa ilalim ng Governor’s Office (GO-PISD) ay nakatuon sa pagbibigay ng tama, napapanahon, at makabuluhang impormasyon sa mga Mindoreño. Layunin ng tanggapan na palakasin ang ugnayan ng pamahalaan at mamamayan sa pamamagitan ng epektibong pagpapalaganap ng mga wastong impormasyon ukol sa mga pangunahing programa, proyekto, at serbisyo ng Pamahalaang Panlalawigan.

Ito ang nilalaman ng 2026 AIP ng PISD na tumutukoy sa mga prayoridad na gawain para mapanatili ang bukas, tapat, at responsableng pamamahayag tungo sa mas maunlad at mulat na Oriental Mindoro.

Source: https://www.facebook.com/orminpio/posts/pfbid0cFjMxVDNtoYcmzBLqcLsEAj2LzbRjxHEZpkTytTA8Zcg3uYTgnUqdmGHt8sfQ97Zl?rdid=JH96EqMhaWc9l6EO#

Scroll to Top