AIP 2026: Provincial Human Resource Management Office

October 9, 2025 | News by PISD

Ito ang prinsipyo ng administrasyon ni Gob. Dolor – ang mga batayang pagpapahalaga ng kasalukuyang pamunuan ng Pamahalaang Panlalawigan sa pagkakaloob ng mga pangunahing serbisyong panlipunan sa mga MindoreƱo.

Sa pamamagitan ng paglalatag ng mga nilalaman ng 2026 Annual Investment Program ng bawat opisina ng Kapitolyo, makikita ang landas na nais tahakin ng administrasyong Dolor para sa susunod na taon. Malinaw. Tiyak. Para sa lalawigan at para sa mga mamamayan.

Binibigyang-diin na HINDI ITO BUDGET, kundi AIP ng bawat opisina – ang wish lists ng mga programang pangkaunlarang nais ipatupad ng Pamahalaang Panlalawigan sa darating na taon.

Magsilbi nawa itong malinaw na gabay para sa lahat.

_______________________________________________

PGOM-Phrmo

Itinatag bilang pangunahing katuwang sa pangangasiwa sa mga kawani ng Pamahalaang Panlalawigan ng Oriental Mindoro, ang Provincial Human Resource Management Office (PHRMO) ay nakatuon sa pagpapaunlad ng disiplina, kakayahan at kapakanan ng bawat empleyado upang mapanatili ang pagiging mahusay at tapat na lingkod-bayan.

Ang 2026 AIP ng PHRMO ay naglalaman ng mga prayoridad na programa at gawaing nakatuon sa pagpapaigting ng serbisyo publiko ng mga kawani ng Pamahalaang Panlalawigan.

Source: https://www.facebook.com/orminpio/posts/pfbid02gjyfiDr9mY1N9R75RGHhsRgvrP2VDA8QHhZDw1kNcHUTEcA6G67kuU97D5y58abvl?rdid=Mk0GmNcGWkILVRZZ#

Scroll to Top