AIP 2026: Provincial Assessor’s Office

October 9, 2025 | News by PISD

Ito ang prinsipyo ng administrasyon ni Gob. Dolor – ang mga batayang pagpapahalaga ng kasalukuyang pamunuan ng Pamahalaang Panlalawigan sa pagkakaloob ng mga pangunahing serbisyong panlipunan sa mga Mindoreño.

Sa pamamagitan ng paglalatag ng mga nilalaman ng 2026 Annual Investment Program ng bawat opisina ng Kapitolyo, makikita ang landas na nais tahakin ng administrasyong Dolor para sa susunod na taon. Malinaw. Tiyak. Para sa lalawigan at para sa mga mamamayan.

Binibigyang-diin na HINDI ITO BUDGET, kundi AIP ng bawat opisina – ang wish lists ng mga programang pangkaunlarang nais ipatupad ng Pamahalaang Panlalawigan sa darating na taon.

Magsilbi nawa itong malinaw na gabay para sa lahat.

_______________________________________________

Provincial Assessor’s Office-Oriental Mindoro

Provincial Assessor’s Office (PAssO) ang may pangunahing tungkulin sa pagtatasa ng mga ari-arian para sa mga layunin ng pagbubuwis, pag-install at pagpapanatili ng isang real property identification at tax mapping system, pag-isyu ng mga sertipikasyon at mga sertipikadong kopya ng mga rekord ng pagtatasa, pagpapanatili ng mga rekord ng ari-arian, at pagbibigay ng teknikal na tulong sa Municipal Assessors.

Batay sa kanilang 2026 AIP, inilalahad ng PAssO ang mga prayoridad na programa at gawain na nakatuon sa pagpapabuti ng sistema na nagpapanatili ng tapat at episyenteng serbisyo para sa kapakinabangan ng bawat Mindoreño.

Source: https://www.facebook.com/orminpio/posts/pfbid027aZxKbpKV6YFMYJ8wBon8rTfTeHvRhNFprwJGz3bK7jdjnsKDVoBqJm8Etfr1maMl?rdid=sWh5uKNAJsLy0l9Z#

Scroll to Top