AIP 2026: Provincial Administrator’s Office

October 9, 2025 | News by PISD

Ito ang prinsipyo ng administrasyon ni Gob. Dolor – ang mga batayang pagpapahalaga ng kasalukuyang pamunuan ng Pamahalaang Panlalawigan sa pagkakaloob ng mga pangunahing serbisyong panlipunan sa mga Mindoreño.

Sa pamamagitan ng paglalatag ng mga nilalaman ng 2026 Annual Investment Program ng bawat opisina ng Kapitolyo, makikita ang landas na nais tahakin ng administrasyong Dolor para sa susunod na taon. Malinaw. Tiyak. Para sa lalawigan at para sa mga mamamayan.

Binibigyang-diin na HINDI ITO BUDGET, kundi AIP ng bawat opisina – ang wish lists ng mga programang pangkaunlarang nais ipatupad ng Pamahalaang Panlalawigan sa darating na taon.

Magsilbi nawa itong malinaw na gabay para sa lahat.

______________________________________________________

Provincial Administrator’s Office – Oriental Mindoro

Ang Provincial Administrator’s Office (PAdmO) ang tanggapan ng Pamahalaang Panlalawigan na nakatutok sa pagbabalangkas at pangangasiwa ng mga programang naglalayong higit na mapabuti ang sistema ng organisasyon at operasyon ng lahat ng mga tanggapan ng Kapitolyo. PAdmO din ang nangunguna sa calibration at monitoring ng mga ibinabang polisiya at patakaran ng Punong Ehekutibo.

Ito ang kanilang 2026 AIP na magsisilbing gabay sa mga tututukang programa ng tanggapan tungo sa pagtupad ng mandato ng Pamahalaang Panlalawigan na itaguyod ang pangkalahatang kapakanan at kagalingan ng lahat ng mga Mindoreño at ng buong lalawigan ng Oriental Mindoro.

Source: https://www.facebook.com/orminpio/posts/pfbid0GFowkiXxqt4RPy1Ud8gESAhuVjbCC49LV9biKDHt8kW46vnREDkSD4So51somH1il?rdid=AG3VchakePDyx3kE#

Scroll to Top