TODA MULTI-PURPOSE BUILDING NA KALOOB NG PGOM AT GRAND TERMINAL NG LGU SOCORRO MAGKASABAY NA PINASINAYAAN

September 30, 2025 | News by PISD

Ininagurahan na ngayong araw, ang bagong TODA Multipurpose Building para sa Socorro Tricycle Operators Driver Association (TODA), isang mahalagang proyektong kaloob ni Gob. Bonz Dolor na layuning makapagpaalwan sa TODA sektor ng naturang bayan.

Kasabay din nitong pinasinayaan ang tricycle terminal na proyekto naman ng kanilang Pamahalaang Bayan. Gayundin, ang MDRRMO vehicle mula sa kanilang DRRM Fund at ang ambulansyang kaloob sa kanilang bayan ng Pamalaang Nasyunal.

Bagama’t hindi personal na nakadalo si Gob. Bonz dahilan sa maraming gawain, kinatawan niya si First District Board Member Ryan Arago at ipinarating ang kanyang mensahe ng todong suporta sa Pamahalaang Bayan at sa mga mamamayan ng Socorro.

Buong-pusong pasasalamat din ang mensahe ni Socorro Mayor Nemmen O. Perez kay Gob. Dolor sa inilaang proyekto na magbibigay ng maayos na lugar para sa naturang grupo. Tumugma rin ito sa proyektong grand terminal na sariling inisyatiba ng kanilang Pamahalaang Bayan.

Binanggit din niya ang mga pinaplanong paglalapat ng sistematikong kaayusan ng operasyon ng kanilang terminal sa tulong ng kanilang Sangguniang Bayan.

Sa ngalan naman ng kanilang samahan todong pasasalamat ang ipinaabot ni TODA Federation President Ariel Dimaano.

Samantala, sinaksihan ang pagpapasinaya nina Vice-Mayor Kenneth P. Tolentino, Sangguniang Bayan Member Committee on Transportation Chairperson Ryan Magtibay at mga hepe ng mga tanggapan ng Pamahalaang Bayan.

#thecapitolnews

Source: https://www.facebook.com/orminpio/posts/pfbid02vkqN1yJ7NpYygkczTtEmVvGPcCpB6qe1bcKae23T5mJqC4mKdmTw4arCRQjjBAVzl?rdid=wcVudrgTYQOLFu2g#

Scroll to Top