๐—ฃ๐—š๐—ข๐—  ๐—˜๐—บ๐—ฝ๐—น๐—ผ๐˜†๐—ฒ๐—ฒ๐˜€โ€™ ๐—ฆ๐—ฝ๐—ผ๐—ฟ๐˜๐˜€ ๐—™๐—ฒ๐˜€๐˜ ๐˜€๐—ถ๐—ป๐—ถ๐—บ๐˜‚๐—น๐—ฎ๐—ป ๐—ป๐—ฎ

September 30, 2025 | News by PISD

Pormal nang sinimulan ngayong araw ang Provincial Government of Oriental Mindoro (PGOM) Employeesโ€™ Sports Fest sa Bulwagang Panlalawigan ng Kapitolyo bilang bahagi ng mga gawain sa pagdiriwang ng Fiesta MAHAL TANA, The 75th Araw ng Oriental Mindoro.

Lumahok sa naturang sports fest ang mga kawani ng Kapitolyo na hinati sa pito na cluster upang makiisa sa ibaโ€™t ibang palaro at kompetisyon gaya ng basketball, volleyball, dart, badminton, at iba pa.

Pinangunahan ni Provincial Administrator Atty. Earl Ligorio R. Turano ang pormal na pagbubukas ng gawain.

Sa kaniyang mensahe, pinasalamatan niya ang lahat ng nakilahok sa naturang sports fest at pinaalalahanan ang bawat manlalaro na panatilihin ang diwa ng sportsmanship sa kanilang paglalaro.

Kabilang din sa mga tampok na aktibidad ang pagpili ng Best Muse, kung saan itinanghal si Nikka Jean Lunar mula sa Cluster 5.

Ang gawain ay pinangasiwaan ng Governorโ€™s Office โ€“ Special Concerns Division (GO-SCD) sa pamumuno ni GO-SCD Chief Junielo Alcuran.

#thecapitolnews

Source: https://www.facebook.com/orminpio/posts/pfbid0XsAkAbXETh4mTwytr8sxkj7UdunyeHNn6L5KSyysVqC13r6h63u2WnoBbdhX8DRcl?rdid=2DXv8L6YsHK3Vkdt#

Scroll to Top