September 30, 2025 | News by PISD

Pinangunahan ni Gobernador Humerlito โBonzโ A. Dolor ang isinagawang Joint Council Meeting para sa Third Quarter ng 2025 ng Provincial Peace and Order Council (PPOC), Provincial Anti-Drug Abuse Council (PADAC), Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council (PDRRMC) at Provincial Task Force to End Local Communist Armed Conflict (PTF-ELCAC).
Kaugnay nito, nagbigay ng ulat ang mga magkaka-ugnay na ahensya ng pamahalaan tulad ng Philippine National Police (PNP), Philipine Army, Provincial Drug Enforcement Agency (PDEA) ukol sa kasalukuyang estado ng seguridad at kriminalidad, at pagpapatupad ng mga programang kontra-droga. Samantala, tinalakay naman ni PDRRM Officer Vinscent B. Gahol ang mga hakbang sa mabilis na pagtugon at rehabilitasyon matapos ang pananalasa ng bagyong #OpongPH sa Oriental Mindoro.
Samantala, inaprubahan ng konseho ang Resolusyon Bilang 6 S. 2025 na inihain ng Provincial Peace and Order Council na may titulong โA Resolution Enjoining all the Barangays to Deploy Barangay Tanods in Pre-elementary, Elementary and High Schools in the Province of Oriental Mindoro to Ensure the Safety and Security of the Students.โ Layunin ng hakbang na ito na mapanatili ang kaligtasan at seguridad ng mga mag-aaral at upang maisulong ang mas matibay na ugnayan ng barangay at mga paaralan sa pagpapanatili ng kaayusan at kaligtasan sa mga paaralan at mga komunidad.
Gayundin, aprubado na ang Provincial Oil Spill Contingency Plan at ang Provincial DRRM Plan ng lalawigan para sa taong 2026-2028.
Kinilala naman ni Gobernador Dolor ang lahat ng mga magigiting na indibidwal lalo na ang hanay ng mga kapulisan na naging katuwang ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Officers (MDRRMOs) ng bawat bayan sa pagresponde sa mga nangangailangan ng tulong noong panahon ng pananalasa ng bagyong #OpongPH sa lalawigan.
