September 29, 2025 | News by PISD

Bukod sa tuloy-tuloy na trabaho para mabilis na maibalik ang kuryente sa buong lalawigan, ang ORMECO ay tumugon sa ating panawagan para sa pakikiisa sa ating layunin na tulungan ang ating mga kababayan na makabangon mula sa trahedyang dulot ng bagyong Opong. Nawaโy makatulong ang hakbang na ito ng ORMECO na (1) pagpapaliban ng mga nakatakdang meter reading schedule hanggaโt hindi tuluyang naibabalik ang suplay ng kuryente sa buong lalawigan, at (2) pagpapawalang bisa ng penalty charges at disconnection charges ngayong buwan, upang mas mapagtuunan ng bawat isa ang pagsasaayos ng mga nasirang bahay, negosyo, at kabuhayan. Taos-pusong pasasalamat ang ipinaaabot ng pamahalaang panlalawigan.
