September 29, 2025 | News by PISD

Matatandaan na may naunang iniulat na nawawalang mga mangingisda mula Wasig, Mansalay. Ngunit sa pagbeberipika, ang dalawang nawawala ay isang residente ng Sta. Maria, Mansalay (binata) at isang residente ng San Isidro, Roxas (may-asawa).
Nagpapasalamat tayo sa mangingisda ng sa San Agustin, Romblon na nagmalasakit na masagip at mai-report sa MDRRMO ng San Agustin, Romblon ang naunang natagpuang bangka at kalaunan ay ang mga kababayan natin.
Opisyal nating ipinahahayag na sa nakalipas na bagyong Opong ay ZERO CASUALTY tayo sa buong Oriental Mindoro.
