September 29, 2025 | News by PISD

Tatlong barangay ang tinungo ng Ama ng lalawigan na ilan lamang sa lubos na nasalanta ng nagdaang kalamidad, partikular ang Brgy. Dayhagan, Cawayan at Anilao, kung saan 1,500 pamilya ang nabigyan ng relief goods at mga gamot.
Bukod dito, nagsagawa rin ng maikling orientasyong pangkalusugan ang Provincial Health Office (PHO) ukol sa health-related concerns tuwing may kalamidad tulad ng Leptospirosis.
Patuloy rin ang paghahatid ng Gobernador ng tulong sa mga mag-aaral sa kolehiyo mula sa mga pamilyang apektado sa pamamagitan ng mas pinadaling pagkuha ng financial assistance.
Samantala, tiniyak rin ng Gobernador na bukod sa ipamamahaging relief packs, nakatakda ring maghatid ng ayuda ang Pamahalaang Panlalawigan sa mga residenteng nasiraan ng tirahan at mga magsasakang lubos na napinsala ang mga palayan.
Kasama naman ng Gobernador sa paghahatid ng tulong si Bongabong Mayor John Michael K. Malaluan, Vice Mayor Jayson Barcelona, at ilang Sangguniang Bayan Members na lubos ang pasasalamat sa maagap na pagtugon at tulong na inihatid ng Ama ng lalawigan sa kanilang bayan.
Abangan ang buong detalye ng balita.
