September 29, 2025 | News by PISD

Sa ikatlong araw, ang bayan naman ng Pinamalayan ang hinandugan ng tulong, kung saan kasalukuyang namamahagi ang Pamahalaang Panlalawigan sa Brgy. Anoling.
Higit 500 pamilya mula sa nasabing brgy. ang bibigyan ng relief goods.
Katuwang pa rin ng Gobernador sa pamamahagi ang mga tanggapan ng Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO), Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) at Provincial Health Office (PHO).
