𝗣𝗛𝗜𝗟𝗛𝗘𝗔𝗟𝗧𝗛 𝗢𝗥𝗜𝗘𝗡𝗧𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡 𝗔𝗧 𝗗𝗜𝗔𝗟𝗢𝗚𝗨𝗘 𝗨𝗞𝗢𝗟 𝗦𝗔 𝗨𝗛𝗖, 𝗬𝗔𝗞𝗔𝗣 𝗔𝗧 𝗚𝗔𝗠𝗢𝗧 𝗣𝗥𝗢𝗚𝗥𝗔𝗠, 𝗜𝗦𝗜𝗡𝗔𝗚𝗔𝗪𝗔

September 29, 2025 | News by PISD

Isinagawa ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) -Oriental Mindoro sa pangunguna ni Chief Insurance Officer Ma. Nerisa C. Reganit ang orientation at dialogue para sa Universal Health Care (UHC) at mga programa nito na YAKAP at GAMOT.

Dinaluhan ito ng Association of Drug Stores of the Philippines (ADSP) at mga kinatawan ng mga botika sa mga Health Facilities (HFs) sa buong Oriental Mindoro na ginanap sa Kapitolyo ngayong araw.

Layunin ng gawain na palalimin ang kaalaman ng mga nagsipagdalo tungkol sa mga benepisyo ng UHC at ang mga konkretong programa ng PhilHealth na naglalayong mapadali ang access ng mga mamamayan sa abot-kayang gamot at serbisyong pangkalusugan.

Tinalakay rito ang Yaman, Alagaan, Kalinga Para sa Kalusugan (YAKAP) program na nagbibigay ng suporta para sa mga benepisyaryo ng PhilHealth sa pamamagitan ng mga health packages at preventive care services. Pinagtuunan din ng pansin ang GAMOT Program, isang inisyatiba na naglalayong magpababa ng gastos sa gamot para sa mga pasyente sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga subsidized o libreng gamot sa mga kwalipikadong benepisyaryo.

Ayon sa kay Reganit, kinikilala niya ang pagsuporta ng Pamahalaang Panlalawigan sa kanilang ahensya.

Ang gawain ay bahagi ng tuloy-tuloy na pagsisikap ng PhilHealth na palawakin pa ang kaalaman at partisipasyon ng mga lokal na health partners.

Samantala, sa ngalan ni Gob. Bonz Dolor, ipinahayag ni Executive Assistant at OIC-PPDO EnP. Jose Maria Dalupan ang mainit na pagtanggap sa mga dumalo at ang komitment para sa patuloy na pagsuporta sa mga adhikain ng PhilHealth.

#TheCapitolNews

Source: https://www.facebook.com/orminpio/posts/pfbid0uuakiG67o5oyEDcDckohEJchRimL6sfAsm9ectuRQ4tuHRzJJCdxBah8qMPVFM9Tl?rdid=qq7c5MsQWxppx5qh#

Scroll to Top