September 28, 2025 | News by PISD

Sa Barangay Poblacion, Mansalay na naapektuhan ng pagbaha dahil sa bagyong #OpongPH, walang kapaguran at masaya siyang nakipagkumustahan at personal ding naghatid ng food packs.
Katulad sa mga naunang barangay, namahagi rin siya ng mga gamot at vitamins. Malugod ding inanunsyo ang ipagkakaloob na scholarship sa mga anak na nag-aaral sa kolehiyo ng mga naapektuhan ng bagyo sa pamamagitan ng mas pinabilis na proseso.
Samantala, taus-puso ang pasasalamat ni Mansalay Vice Mayor Joel Maliwanag sa mga inisyatiba ni Gob. Bonz sa kanilang bayan partikular sa mga naapektuhan ng bagyo.
